Ang pambato ng Czech Republic na si Natalie Puskinova ang nanalo at kinoronahang Miss Earth 2025.

Idinaos ang 25th edition ng Miss Earth kagabi, November 5, 2025, sa Okada Hotel, sa Parañaque City.

Dinaig ni Natalie ang mahigit 80 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Joy Barcoma.

Nakasama si Joy hanggang sa Top 8.

Ngunit hindi na siya nakaabot sa final round o Top 4 para sana sa ika-limang Miss Earth crown ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Nasungkit ito ng mga dating kandidata ng Pilipinas na sina Karen Ibasco (2017), Angelia Ong (2015), Jamie Herrell (2014), at Karla Henry (2008) sa nagdaang edisyon ng nasabing kompetisyon.

Gayunpaman, pinahanga ni Joy ang pageant fans sa Q&A para sa Top 8 round.

Ang topic na ibinigay sa kanya ay “law.”

Ang sagot ni Joy: “No one is above the law. And we hope that everyone can hear this message.”

“Every decision that our politicians are making, every policies that our government officials are passing to our people affects the lives of everybody.”

“Social justice, environmental injustice is also human justice.

“And so we must make sure that every law we pass is a right for every person on Earth.”

Kabilang sa elemental court o top placers si Miss Earth Air 2025 Soldis Ivarsdottir ng Iceland.

Miss Earth Water 2025 naman si Mu Anh Trinh ng Vietnam.

Habang Miss Earth Fire 2025 si Waree Ngamkham ng Thailand.