Nakuha ng pambato ng Japan ang kauna-unahang gold medal sa Breaking sports sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Ang Breaking sports na unang isinagawa sa Paris Olympics ay isang uri ng sports ng pagsasayaw o break dance.

Nagwagi si Ami Yuasa ng Japan ng kauna-unahang gold medal sa bagong sports sa Olympics na Breaking o break dance.

Tinalo nito si Dominika Banevic ng Lithuania na nagtala ng 3-0 panalo.

Nakakuha naman ng bronzed medal si Liu Qingyi ng China matapos mahigitan ang pambato ng India na si Sardjoe sa bronze medal battle.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ang unang pagkakataon na sumali ang Breaking sa Olympics na pinagsamang urban dance at acrobatic moves sa tunog na hip-hop music.

Sa ngayon ay pang ika 29 ang Pilipinas sa medal tally na mayroong 2 golds at 2 bronze.

Nangunguna naman ang US na mayroong 33 gold 39 silver at 39 bronze at Pumangalawa ang China sa 33 golds 26 silver at 23 bronze. Sinundan ito ng bansang Australia Japan at Great Britain.