Nagtapos sa ikatlong puwesto ang pambato ng ating bansa sa Miss Intercontinental pageant sa katauhan ni Mutya ng Pilipinas Alyssa Redondo na ginanap sa Egypt.

Iprinoklama ang 23-year-old vocational nurse mula sa California na second runner up sa final competition sa Sunrise Remal Resort sa Sharm el Sheikh.

Nakakuha ng slot si Redondo sa Final 7 sa kompetisyon nang matanggap niya ang “Power of Beauty” award.

Nakuha din ni Redondo ang Best in Swimsuit award.

Ang dilag mula sa Puerto Rico na si Maria Cepero ang kinoronahan na Miss Intercontinental na ipinasa sa kanya ni 2023 Miss Intercontinental Chatnalin Chotjirawarachat ng Thailand.

-- ADVERTISEMENT --

Umusad sa final round si Cepero nang mapanalunan niya ang People’s Choice award.

Ang bagong reyna ang ika-apat na winner mula sa Puerto Rico.

Si Elizabeth Robinson ang unang Miss Intercontinental winner mula sa US nang mapanalunan niya ang titulo noong 1986.

Sinundan siya ni Maydelise Columna noong 2010 and Heilymar Rosario Velasquez noong 2016.