
Nakita ng forest guards ng lalawigan ng Apayao, kasama ang personnel ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa mabundok na bahagi ng bayan ng Calanasan ang pambihirang wild jade vine, o mas kilala na Tayabak (strongylodon macrobotrys), sa liblib na mga barangay ng Tanglagan at Langnao.
Sinabi ni Municipal environment and natural resources officer Sarah Mae Batil, nagsasagawa sila ng regular biodiversity monitoring nang makita nila ang bulaklak ng Tayabak.
Ayon sa kanya, matagal na silang nagsasagawa ng documentation sa nasabing halaman, subalit ngayon lang nila nakita ang pagdami ng mga bulaklak nito.
Sinabi ni Batil, ang presensiya ng nasabing species sa Calanasan ay isang malakas na indikasyon ng malusog, biodiverse ecosystem.
Pinayuhan ni Batil ang mga residente sa Apayao na ipaalam sa kanila kung may makikitang species sa MENRO para sa monitoring at documentation at ipinaalala din na huwag pitasin ang nasabing halaman para sa cultivation.
Sinabi ng mga awtoridad na ito ay endemic sa tropical rainforests ng bansa.
Endemic umano ang tayabak sa Pilipinas at karaniwang tumutubo sa mga tropical rainforest.
Tila mga kuko o “claw” ang hugis ng mga bulaklak nito na kulay rare turquoise to jade-green.
Ito ay itinuturing na endangered o vulnerable sa kagubatan at ito ay pambihira dahil ito ay dumadami sa pamamagitan ng mga paniki na nagsisilbing pollinators.
Ikinokonsiderang national treasure at simbolo ng natural beauty, ang nasabing halaman ay naitampok sa limang piso na barya.
Sa ibang lugar sa bansa, edible o puwedeng kainin ang tayabak, at ang dahon ay maaaring gawing tea.
Nakakagamot din umano ito ng sakit ng tiyan at sugat sa katawan.







