Photo of Mr. Gelo Somera

TUGUEGARAO CITY-Walang nailigtas na anumang kagamitan ang mga negosyante sa bayan ng Sta Ana, Cagayan matapos matupok ng apoy ang kanilang pamilihang bayan,kagabi.

Ayon kay Senior fire officer 1 Daryl Garcia, caretaker ng Fire station sa Sta Ana, habang nag-iikot ang dalawang naka-duty na security guard sa nasabing pamilihan ,kanilang napansin ang isang refrigerator na nagliliyab mula sa isang stall na pagmamay-ari ni Normita Rol.

Agad namang inapula ng dalawang security guard ang sunog gamit ang nakalagay na fire distinguisher sa lugar ngunit hindi ito kinaya dahil malaki na ang apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan nasa pitong fire truck mula sa mga kalapit na bayan ang rumesponde.

Nabatid na nagsimula ang sunog pasado alas nuebe ng gabi kagabi at naapula lamang ito kaninang alas singko ng umaga,ngayong araw ng linggo.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya , mabilis umano na kumalat ang sunog dahil grocery items ang laman ng pamilihan na madaling masunog.

Sa ngayon ,patuloy ang imbestigasyon ng BFP-Sta Ana para malaman ang tunay na dahilan ng sunog maging ang halaga ng pinsala ng mga natupok na kagamitan.