CTTO: TFLC-Iguig

Nanindigan ang kapatid ng biktima mula sa pagka-kuryente sa bayan ng Iguig na inutusan siya ng kanyang amo para pumitas ng bunga ng “mosquito tree” na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa panayam ng Bombo Radyo, pinasinungalingan ni Haydee Cadangan, kapatid ng nasawing biktima na si Brian Cuntapay na kaya ito umakyat sa puno ay dahil sa pugad ng ibon.

Ayon kay Cadangan, si Brian ang umakyat sa puno habang ang pamangkin nito ang namumulot sa bunga ng mosquito tree na napipitas ng biktima, bilang gamot umano sa hiblood ng kanyang amo na si James Balubal.

Subalit, nakita na lamang umano ng kanyang anak na nahulog ang itak na hawak ng biktima habang pinuputol ang mga sanga ng puno at nangingisay na sa taas.

Kwento pa ni Cadangan na pang-apat na beses na itong kumuha ng bunga ng mosquito tree kung saan ang huling tatlong beses ay kasama pa nito ang kanyang amo.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng pahayag ni Haydee Cadangan, kapatid nag biktima

Kasunod nito, umapela ng tulong pinansyal si Cadangan sa pamilya Balubal para mabigyan ng maayos na burol at libing ang kanyang kapatid.

Bahagi ng pahayag ni Haydee Cadangan, kapatid ng biktima

Sa hiwalay na panayam, iginiit ng ama ng amo ng biktima na si Julio Balubal, na umakyat ito sa puno upang kunin ang pugad ng ibon.

Bahagi ng pahayag ni Julio Balubal, ama ng amo ng biktima

Dagdag pa ni Balubal, ang kanyang anak na amo ng biktima ay dumalo sa seminar sa San Mateo, Isabela nang mangyari ang insidente.

Aniya, aksidente ang nangyari at nakahanda naman umano silang magbigay ng tulong sa pamilya ng biktima na tatlong taon nang nagtatrabaho sa kanila.

Bahagi ng pahayag ni Julio Balubal, ama ng amo ng biktima