TUGUEGARAO CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga nasawing sundalo sa Patikul, Sula matapos ang sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at grupo ng abu sayyaf.
Ayon kay Nomi Pagulayan- Sibal, tiyahin ni PFC Jomel pagulayan, isa sa 11 sundalong namatay, dapat mahuli at mapanagot sa batas ang mga bandidong grupo dahil sa kabila ng krisis na nararanasan dahil sa covid-19 ay hindi ito pinalampas ng mga abu sayaf.
Sinabi ni Nomi na pangarap ni Jomel na maging isang pulis para makapaglingkod sa bayan ngunit dahil hindi nito natapos ang kanyang kolehiyo kaya pumasok siya sa militar para matupad pa rin ang kanyang pangarap.
Aniya, nasa apat hanggang limang taon na sa serbisyo ang kanyang pamangkin kung saan unang nadestino sa Sulu.
Nabatid na ulila na rin sa ama at ina si Jomel at siyam na buwan palang ang nakakaraan mula ng ikasal siya sa kanyang asawa na isa ding miembro ng army.
Kaugnay nito, hindi na dadalhin ang bangkay ng kanyang pamangkin sa kanilang tahanan sa Cataggamman Pardo sa halip ay sa isang funeral homes sa lungsod na lamang ilalatag ang bangkay ng dalawa hanggang tatlong araw bago muling ililipat sa Alicia,Isabela kung saan nakatira ang kanyang asawa.
Samantala, naulila naman ni CPL Rasul Ao-as ng Pasil, Kalinga ang kanyang dalawang anak na edad anim at tatlong buwang sanggol.
Ayon kay Jonalyn Ao-as, kapatid ni Rasul, nakatakda sanang magbakasyon nitong buwan ng Marso ang kanyang kapatid para mag-attend ng moving up ceremony ng kanyak anak ngunit naabutan ng enahnced community quarantine.
Aniya, unang pumasok sa militar ang kanyang kapatid noong 2011 kung saan unang nadestino sa bayan ng Tuao bago nalipat sa Sulu.