Nagsampa ng kasong obstruction of justice sa Department of Justice o DOJ ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero laban kay Atty. Caroline Cruz, abogado ng negosyanteng si Atong Ang, at tatlo pang indibidwal dahil umano sa pag-aalok ng pera kapalit ng hindi pagdalo sa mga pagdinig ng kaso.

Ayon kay Charlene Lasco, kapatid ng nawawalang sabungerong si Ricardo Lasco, may ilang pamilya umano ng mga nawawala na tumatanggap ng P20,000 hanggang P40,000 kada buwan kapalit ng hindi pagdalo sa hearing. Dahil dito, sinabi nilang nababawasan ang mga kaanak na humaharap sa korte upang patunayan ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, sinabi ni Diane Loyola, asawa ng isa sa mga nawawalang sabungero, na naapektuhan na ang kanilang kaso dahil sa kakaunting dumadalo sa mga pagdinig. Sa kabila nito, wala pang pahayag sina Atty. Cruz at ang DOJ kaugnay sa alegasyon.

Matatandaang may inilabas nang warrant of arrest laban kay Atong Ang at iba pa kaugnay ng kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Mariin n