Nilinaw ng pamilya ng Superstar na si Nora Aunor ang mga naglabasang report tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Humarap sa media ang magkakapatid na Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth de Leon, para magbigay ng pahayag hinggil sa pamamaalam ng kanilang ina.

Si Ian ang nagsilbing spokesperson ng kanilang pamilya na siyang tanging biological child ni Ate Guy sa dati niyang asawang si Christopher de Leon.

Ang mga kapatid niyang sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ay adopted lahat ng Superstar.

Sinabi ni Ian na na-confine ang kanyang ina noong April 10, at noong April 16 sumailalim siya sa andioplasty, isang procedure kung saan binubuksaan ang nagbarang coronary arteries o main blood vessels na nagsu-supply ng dugo sa puso.

-- ADVERTISEMENT --

May ulat ding nagkaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) si Ate Guy na siya ring naging sakit noon ng namayapang King of Comedy na si Dolphy.

Ayon sa kanya, habang inooperahan si Nora ay nahirapan siya sa paghinga, kaya kinailangan ng mga doktor na gumawa ng isa pang procedure.

Sinabi pa ni Ian na hindi maiiwasan ang mga pangyayari sa buhay, at naniniwala sila na may magaganda pang plano ang Diyos.

Kasabay nito, muling nagpasalamat si Ian sa lahat ng mga nagpaabot at nagpapaabot pa ng kanilang simpatiya sa pagpanaw ng kanilang ina.