Nagbanggaan sa himpapawid ang isang pampasaherong aircraft na may lulan na 64 na katao sa isang US Army Black Hawk Helicopter malapit sa Reagan National Airport sa labas ng Washington DC, habang palapit na ito sa runway, ayon sa Federal Aviation Administration at defense officials.

Ayon Metropolitan Police Department wala pang kumpirmadong namatay sa nasabing insidente sa ngayon.

Kasalukuyan na ang malawakang emergency response sa Potomac River sa DC, kung saan nagbanggaan ang eroplano at helicopter.

Ang eroplano, American Airline 5342 ay may 60 na pasahero at apat na crew members at galing ito sa Wichita, Kansas.

Kinumpirma naman ng White House na isang military helicopter ang nasangkot sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Lulan naman helicopter ang tatlong AS Army soldiers, at hanggang ngayon ay hindi pa mabatid kung ano ang kundisyon ng mga ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad na pinapangunahan ng National Transportation Safety Board.

Samantala, itingil pansamantala ang pag-alis at paglabag ng aircrafts sa Reagan National Airport.