
Nahulog ang isang pampasaherong van sa Pinacanauan Overflow bridge sa Tuguegarao City kagabi.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad para iligtas ang sakay ng van at iahon ang sasakyan sa tubig.
Ayon sa mga awtoridad, ligtas ang driver na siyang nagmamaneho ng naturang sasakyan.
Wala itong sakay na pasahero nang mangyari ang insidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagkahulog ng nasabing sasakyan.
-- ADVERTISEMENT --