Hinimok ng pamunuan ng Quaipo Church ang mga deboto na huwag nang tawaging “Itim” na Nazareno ang imahe at sa halip ay “Poong Hesus Nazareno.”

Paliwanag ng mga opisyal ng simbahan, ang desisyon ay mula sa pagsasaalang-alang sa kasaysayan.

Ayon sa mga opisyal, ang pinagmula ng terminong “Itim na Nazareno” o “Black Nazarene” ay nanatiling hindi malinaw at nais ng simbahan na parangalan ang tunay na pangalan ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pag-alis ng salitang “Itim” at bumalik sa orihinal na “Poong Hesus Nazareno.”

Samantala, tatawagin na rin ang Quiapo Church bilang Basilica Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno o Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Sinabi ng simbahan na ito ay bahagi ng isang mas malawak na pagsisikap na palalimin ang koneksyon ng mga mananampalataya sa imahe, na sumasalamin sa parehong paggalang sa larawan ni Kristo at paggalang sa makasaysayan at espiritwal na kahalagahan nito.

-- ADVERTISEMENT --

Naganap ang pagsasaayos bago ang 2025 Feast of Jesus Nazareno, isa sa mga pinakaabangan na relihiyosong kaganapan sa bansa.