Pormal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA na sa mga nagdaang mga araw ay nagkaroon ng matinding buhos ng ulan sa timog bahagi ng Luzon at Visayas.
Nagkaroon din ng mga madalas na thunderstorms at ang pagtama ng bagyong Aghon ganun din ang Southwest Monsoon o Habagat.
Dagdag pa ng PAGASA na may malaking tsansa na magkaroon ng La Nina pagdating ng Hulyo, Agosto hangggang Setyembre.
Makakaranas din ang bansa ng “break” sa pag-ulan sa mga susunod na araw.
Nagpaalala ang PAGASA na palagiang maghanda at magsagawa ng precautionary measures upang maibsan ang impact ng rainy season, habagat at ang pagpasok ng La Niña na magdudulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-uulan.