Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang simula ng panahon ng tag-ulan kasunod ng paglabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) kahapon ng hapon.
Sinabi ni PAGASA administrator Nathaniel Servando na ang pagdaan ni Aghon at ang pagkalat ng southwest monsoon ang hudyat ng pagsisimula ng tag-ulan.
Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng scattered rainshowers, madalas na thunderstorms, ang pagdaan ng bagyong Aghon at ang southwest monsoon sa nakalipas na mga araw ay nagdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Kasabay nito, nagbabala siya sa malaking tsansa ng pagkakabuo ng La Niña sa susunod na mga buwan, na magdudulot ng epekto dahil sa mas maraming ulan na dala nito.
Ayon kay Servando, ang posibleng mabuo ang La Niña simulasa buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre kung saan makakaranasa ng above-normal rainfall conditionsang ilang lugar sa bansa, lalo sa huling bahagi ng kasalukuyang taon.
Gayonman, sinabi niya na asahan pa rin ang monsoon breaks ng pag-ulan na magtatagal ng ilang araw o linggo.
Sinabi ng PAGASA na patuloy ang kanilang monitoring sa weather at climate conditions sa bansa at pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng impact ng panahon ng tag-ulan.