Tinanggihan ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang panawagang ihinto ang malalaking proyektong pang-imprastraktura.

Sa halip, sinabi niyang dapat pa nga itong pabilisin upang makatulong sa problema sa trapiko at mataas na konsumo ng gasolina.

Ito ay kasunod ng mungkahi ng isang ekonomista na ipagpaliban muna ang malalaking proyekto upang mailaan ang pondo sa mga subsidiya habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis.

Nagbabala si Dizon na kung ihihinto o babagalan ang mga proyekto, maaaring lalo lamang lumala ang trapiko at tumaas ang konsumo ng gasolina.

Kinuwestyon din niya ang nasabing mungkahi at sinabing maaaring hindi ito ang pinakamainam na solusyon sa kasalukuyang sitwasyon.

-- ADVERTISEMENT --