TUGUEGARAO CITY-Malaking kalokohan at kahibangan para sa Kalikasan People’s network for the environment group ang suhestyon at panawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga economic managers ng pamahalaan na pag-aralan at bumuo ng bagong polisiya para makapaghikayat ng mga foreign investors sa mining industry para masolusyunan ang matamlay na ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID- 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Clemente Bautista Jr. International Coordinator ng Kalikasan-PNE, mahigit dalawang dekada ang pagmimina sa iba’t-ibang panig ng bansa ngunit hindi naman umunlad ang mga lugar na mayroong mining operations.

Ayon kay Bautista na mas lalong dumami ang trahedya sa kalikasan na lalong nagpahirap sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga magsasaka na direktang naaapektuhan sa pang-aabuso sa kalikasan gaya ng pagmimina.

Inihayag ni Bautista na hindi solusyon ang pagbubukas ng minahan para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa dahil tanging ang mga dayuhan lamang ang nakikinabang dito.

Ang dapat gawin para kay Bautista ay suportahan at palakasin ang iba pang economic activity tulad sa sektor ng agrikultura kung saan kailangang tulungan ang mga magsasaka na mapalago ang kanilang produksiyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng binhi, abono at bilhin ang kanilang mga produkto sa mataas na halaga.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Clemente Bautista Jr