Inanunsyo na ng PAGASA ang pag-decommision nito o hindi paggamit sa walong pangalan ng bagyo mula sa regular set ng domestic names dahil sa tindi ng pinsalang naidulot nito sa bansa.

Tatanggalin na sa listahan ng mga domestic names na ginamit ng ahensya ang Aghon, Enteng, Julian, Kristine, Leon, Nika, Ofel, at Pepito.

Kasabay nito, papalitan ang naturang mga pangalan ng Amuyao, Edring, Josefa, Kidul, Lekep, Nanolat, Onos, at Puwok sa reserved list simula January 1, 2028.

Ang domestic tropical cyclone name ay decommission o “retired” kung ang pagtama ng bagyong ito sa bansa ay kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 300 mga indibidwal, at nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan, agrikultura, at imprastraktura na aabot ang halaga sa P1B.