Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng mga lokal na magsasaka sa nakaambang importasyon ng sibuyas.
Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang commitment nito para epektibong matugunan ang sitwasyon.
Kaya naman wala aniyang dapat ipag-alala ang magsasaka sa hakbang na ito ng gobyerno.
Ayon kay Laurel, may kakulangan kasi na 7,000 tonelada ng sibuyas ngayong Pebrero kaya’t ang importasyon ay isang “tactical” na paraan para punan ito kung saan tiniyak niya rin na limitado lamang ang dami ng aangkatin.
Darating naman aniya ang mga imported na sibuyas bago ang peak harvest para mabawasan ang negatibong epekto nito sa local farmers.
-- ADVERTISEMENT --