Pinawi ni 3rd district congressman elect Jojo Lara ang pangamba ng mga scholars ng kanyang nakatunggali na posibleng matanggal sila sa listahan.

Ayon kay Lara, wala umanong rason para tanggalin niya ang mga ito dahil ang pondo ng scholarship ay mula sa pera ng taong bayan.

Sa halip na tanggalin, sinabi ni Lara na dadagdagan o palalawigin pa niya ang mga scholars ng pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na kabataan sa kanilang pag-aaral.

Isusulong din ni Lara sa kongreso ang paglalaan ng karagdagang pondo sa sektor ng agrikultura.

Iginiit ni Lara na kailangang mabigyan ng ayuda ang mga magsasaka upang makabawi sa napakamahal na farm inputs subalit binabarat naman ang kanilang mga produkto.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, pagtutuunan din umano ng pansin ni Lara ang mga proyektong pang- imprastraktura.