Nasa isa hanggang apat na Pilipino o 27 percent ang nagsabi na may nasaksihan sila o nakaranas ng pangangaliwa, ngunit halos kalahati o 43 percent ang naniniwala na maibabalik pa rin ang tiwala.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations mula November 24 hanggang 30, 2025.

Sa nasabing survey, 27 percent ng adult Filipinos ang nagsabi na may nakita o nakaranas sila ng ilang uri ng pangangaliwa sa isang relasyon, at 72 percent ang nagsabi na hindi sila nakaranas nito.

Ang karaniwan ay ang mga nakaranas ng pangangaliwa, physical at emotional cheating, na 11 percent.

Ipinakahulugan ng SWS ang physical cheating na gumagawa ng sexual at intimate activities sa iba, at ang emotional cheating ay nakikipag-usap sa ibang tao tungkol sa problema sa halip na sabihin ito sa partner, o pagkakaroon ng romatic feelings sa ibang taon bagamat walang physical relationship.

-- ADVERTISEMENT --

Sinundan ito ng cyber cheating na 6 percent.

Mayroon ding object cheating na 6 percent, na inilarawan na pagbibigay ng sobrang atensyon sa mga laro, cellphone, o iba pang material na bagay na halos wala na silang panahon sa kanilang partner.

Ang financial cheating naman, ay ang pagtatago ng binibiling mamahaling mga bagay o utang sa partner na 5 percent.

Ang pinakamababa naman naranasan ng mga isinailalim sa survey ay ang micro-cheating, na ayon sa SWS, ay ang pagtawag sa ibang tao ng “baby,” “honey,” o “love,” at hindi sa kanilang partner.

Natuklasan din sa survey na 43 percent ang nagsabi na maibabalik pa ang tiwala sa isang relasyon matapos ang pangangaliwa, habang 36 percent ang nagsabi na hindi na maibabalik ang tiwala.