TUGUEGARAO CITY- Nakahandang ipatupad ng PNP Cagayan ang panghuhuli sa mga motorsiklong walang barrier sa oras na maibaba ng PNP Regional Office ang memo na mag-aatas para sa nasabing hakbang.

Sa panayam kay PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, ito ay kasunod ng dalawang buwang ibinigay na palugit sa mga motor rider na maglagay ng mga standard barriers laban sa pa rin sa banta ng COVID-19.

Sinabi ni Mallillin na ibabatay ng pulisya ang lahat ng kanilang hakbang sa ilalabas na panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, bahagya naman aniyang bumaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng mga paglabag sa mga panuntunan ng community quarantine mula ng ideklarang MGCQ ang probinsya.

Sa huling datos ng PNP Cagayan mula sa buwan ng Hunyo, ay nakapagtala sila ng 533 violators habang sa buwan naman ng Hulyo ay nakapag-ulat ng 329 na mga lumabag.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga violations ng mga nahuhuli ay ang paglabag sa social distancing, hindi pagsusuot ng face mask atdisobedience of person in authority.

Batay sa report nitong buwan ng Hulyo, kabilang sa top 5 municipalities/City na may pinaka maraming paglabag ang Tuguegarao na may 200 violators, sa Camalaniugan ay 51, sa Buguey ay 15, sa Abulug ay 11 at sa PeƱablanca ay 10.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng PNP sa publiko na sumunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus na dulot ng COVID-19.