Patuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police sa New People’s Army sa posibleng pagkuha ng permit-to-campaign at permit-to-win sa mga kandidato sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Police Brigadier General Jose Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office 2, na may kandidato na sinusuportahan ng mga NPA dahil sa pagbabayad ng campaign fee at extortion money .
Sinabi ani Espino na isa ito sa kanilang mga tinututukan katuwang ang AFP kasabay ng pagsisimula ng election period sa local candidates at ang pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA ngayong araw.
Hinimok rin ni Espino ang lahat ng mga kandidato na sumunod sa nilagdaang peace covenant para sa mapayapang halalan.