Bibisita sa bansa si President Yoon Suk Yeol ng Republic of Korea mula October 6 hanggang 7.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang state visit ni Yoon ay kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang sasalubong kay Yoon at kay First Lady Kim Keon Hee ay si Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos sa October 7.
Sinabi ng PCO na magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider sa mutual areas of interest tulad ng kooperasyon sa political, security at defense, economic, maritime, people-to-people, at labor at consular matters.
Inaasahan din na magpapalitan ng kuro-kuro ang dalawa sa regional at international issues at pagtitibayin ang masigla na relasyon ng dalawang bansa.
Ang pabisita ni Yoon ay kasabay ng 75th anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Korea noong March 1949.
Ayon sa PCO, ito ang ang unang standalone bilateral visit ng pangulo ng Republic of Korea sa Pilipinas buhat noong 2011.