TUGUEGARAO CITY – Kailangang bigyan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte bilang lider ng bansa para pamunuan ang kinakaharap krisis ng mamamayang Filipino dahil sa covid-19.
Una rito, inaprubahan kagabi ng Kamara at senado ang Urgent bill na nagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte para labanan ang COVID-19.
Ayon kay Cagayan 3rd District Congressman Joseph “Jojo” Lara, bagamat hindi maiiwasan ang mga agam-agam ng ilang mambabatas dahil sa isang bagay ay may iba’t-ibang pananaw.
Sinabi ng kongresita na sa ganitong sitwasyon, kailangang ang nasabing panukala dahil mahirap kung madami ang nagmamando sa halip ay dapat may iisang direksyon.
Aniya, kailangang matiyak na may makakain ang mga labis na naapektuhan sa Enhance community quarantine at masugpo ang pandemic virus sa bansa.
Samantala, sinabi ni Lara na gumagawa na rin siya ng hakbang para makakuha ng face mask at iba pang gamit na kailangan sa cagayan Valley medical center (CVMC) para tugunan ang kakulangan ng mga Personal protective equipment (PPEs) sa naturang pagamutan maging sa lahat ng frontline.