Pangulong Rodrigo Duterte

TUGUEGARAO CITY-Muling pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na patuloy na gumagamit ng droga na kanyang papatayin.

Sa kanyang pagbisita dito sa lungsod ng Tuguegarao, sinabi ng Pangulo na kanyang tatapusin ang mga patuloy na gumagamit ng droga bago matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Duterte, dito sa Cagayan ay may anim pa umanong matataas na opisyal na hindi na pinangalanan na sangkot sa illegal na droga na kanyang papatumbahin.

Aniya, hindi umano niya hahayaan na sisirain ng mga ito ang bansa sa kanyang pamumuno

Bukod dito, pinagbantaan din ng pangulo na kanyang papatayin ang mga pulis na masasangkot sa kalakaran ng illegal na droga

-- ADVERTISEMENT --

Sakabila nito , aminado ang Pangulo na hirap siyang gawin sa buong bansa ang kanyang nagawa sa Davao city kung saan kanyang nalinis ang kalakaran sa droga at krimen.

Sinabi ng Pangulo na ito’y dahil ang kanyang kalaban ay ang kanyang sariling bansa kung saan ang mga matataas na opisyal ng iba’t-ibang tanggapan.

Samantala, nanawagan naman ang pangulo sa mga miembro ng New Peoples Army (NPA) na huwag gagalawin ang kanyang mga sundalo.

Aniya,galing pa umano sa mga semenaryan na hindi tinanggap sa pagkapari ang kanyang mga sundalo kung kaya’t inosente ang mga ito.

Sinabi ng pangulo na ang mga nasa checkpoint na nangungurakot ang dapat patayin ng mga NPA.

Hinimok rin ng pangulo ang publiko na huwag magbigay kung maniningil ng revolutionary tax ang mga makakaliwang grupo sa halip ay agad itong isumbong sakanyang tanggapan.