Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Malacañan ngayong araw na ito sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Bumiyahe si Zelensky sa Manila mula sa Singapore, kung saan siya dumalo sa Shangri-La Dialogue na dinaluhan ng defense officials mula sa iba’t ibang bansa.

Layunin ng pambihirang biyahe ni Zelensky na hikayatin ang regional leaders na dumalo sa Swiss-organized global peace summit sa giyera ng Ukraine kung saan inakusahan niya ang Russia sa tulong ng China na nais na ito ay pahinain.

Hindi ipinaalam ang pagdating sa Manila ni Zelensky kung saan may mahigpit na security kahapon ng hapon pagkatapos ng kanyang talumpati noong Sabado sa Shangri-La defense forum in Singapore.

Plinano ni Zelensky na na makipagpulong kay Pangulong Marcos sa sideline ng nasabing conference kaya nagpasiya siya na pumunta ng Malacañan para personal na imbitahan si Pangulong Marcos na dumalo sa summit sa Switzerland.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman ang Switzerland na dadalo ang China sa peace conference sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan, bagamat una nang sinabi ng Chinese Foreign Ministry na malabo na dadalo ang kanilang bansa sa nasabing summit.