Biyaheng Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa ASEAN Summit.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, ang ASEAN Summit ay gaganapin sa Mayo 26-27 sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan dadalo si Pangulong Marcos.
Dagdag pa ni Castro na makikita naman sa body language at sa magandang pagngiti ng Pangulo sa pag-uusap nila ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na naging maganda ang pag-uusap kabilang na dito ang tungkol sa ekonomiya at seguridad na maaaring kaharapin ng ASEAN.
Umaasa naman aniya ang Pangulo na kung anuman ang isyu patungkol sa ekonomiya at seguridad sa ASEAN ay maipagpapatuloy ang pag-uusap sa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur.