Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa price gouging o labis na pagpapatong ng presyo sa mga produkto at serbisyo, lalo na kung wala namang sapat na dahilan para ito ay gawin.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na aniya ay hindi dapat gamitin bilang dahilan para sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Paliwanag ni Marcos, base sa kasalukuyang sitwasyon sa Gitnang Silangan, wala itong nakikitang matinding epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

Dagdag pa niya, kung sakaling magkaroon man ng epekto sa presyo ng langis, ito ay kaya namang pamahalaan.

Ibinahagi rin niya na matapos ang deklarasyon ng ceasefire, bumaba ang presyo ng krudo sa world market sa $69 kada bariles.

-- ADVERTISEMENT --