Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DICT at COMELEC ang agarang pagbuo ng kauna-unahang 24/7 Threat Monitoring Center na magsisilbing digital command post upang tiyakin ang malinis, ligtas, at tapat na halalan sa darating na Mayo 12, 2025.

Pangunahing layunin ng sentrong ito ang masusing pagbabantay at pagsugpo sa pagkalat ng online misinformation at disinformation na maaaring makaapekto sa resulta ng halalan.

Pangungunahan ito ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT, katuwang ang Task Force KKK—Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, patunay ito na mabilis at nagkakaisa ang pagkilos ng pamahalaan sa pagtatanggol sa katotohanan.