
Nagpaalam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Sri Lankan Ambassador to the Philippines Chanaka Harsha Talpahewa na magtatapos na sa kaniyang panunungkulan sa Oktubre 31, 2026.
Tinanggap ni Marcos si Talpahewa sa Malacañang noong Miyerkules bilang pagkilala sa kaniyang ambag sa pagpapalalim ng ugnayang Pilipinas at Sri Lanka.
Kabilang dito ang pagtulong sa pagpasok ng unang mga pamumuhunan ng Sri Lanka sa Pilipinas sa pamamagitan ng Haycarb PLC, isang kompanyang gumagawa ng activated carbon, at Jaindi Exports, na nagpoproseso ng produktong niyog. Naitatag ang mga pamumuhunang ito sa Visayas at Mindanao.
Bilang pagkilala sa kaniyang serbisyo at ambag sa pagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya at pangkultura ng dalawang bansa, iginawad kay Talpahewa ang Order of Sikatuna, Grand Cross (Datu), Silver Distinction.




