Hinikayat ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mamamayan na piliin ang kapayapaan at kaligtasan para sa kanilang mga pamilya ngayong Semana Santa.

Kasabay nito, nanawagan din siya sa publiko na maging mapagbigay at mapagpakumbaba sa mga lansangan.

Una rito, umapela ang pangulo sa mga motorista na manatiling disiplinado habang nasa lansangan at huwag gumamit ng dahas kung may mga hindi magandang insidente, sa gitna ng mga nangyaring insidente sa mga lansangan kamakailan.

Binigyang-diin ni Marcos na ang Bagong Pilipinas ay naninindigan para sa kanyang bayan, ang mga Pilipino ay pumapanig sa kapayapaan at kaligtasan lalo na sa mga lansangan.

Samantala, gugulin ni Marcos ang Mahal na Araw kasama ang kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --