Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang credentials ng dalawang bagong itinalagang ambassador sa Pilipinas.

Kabilang dito si Peru Ambassador Carmen del Rocio Azurin Araujo at Sovereign Military Order of Malta Ambassador Maria Lourdes Bernadette Banson.

Ayon sa Pangulo, mahalagang hakbang ang muling pagbubukas ng Embahada ng Peru sa Maynila noong 2025 upang higit pang mapalalim at mapalawak ang ugnayan ng dalawang bansa.

Nangako naman si Ambassador Araujo na palalakasin ang kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Peru at Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Ipinahayag din ni Pangulong Marcos ang hangarin na higit pang mapagtibay ang pagtutulungan ng Pilipinas at Sovereign Military Order of Malta sa mga programang makatao at panlipunan.

-- ADVERTISEMENT --

May 52 taon nang relasyong diplomatiko ang Pilipinas at Peru, habang 61 taon na ang ugnayan ng Pilipinas at Sovereign Military Order of Malta.