Nanatili ang posisyon ng pamahalaan na wala pang agarang pangangailangan para mag-intervene ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa gitna ng paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy namang nagre-report ang BSP kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at tiniyak na agad kikilos kung kinakailangan na ang intervention.

Nilinaw rin ng Malacañang na hindi nais ng Pangulo na umabot sa ₱60 ang palitan ng piso kontra dolyar dahil sa negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Ani Castro, kapag patuloy raw kasing humina ang piso, maaapektuhan ang national currency at maaaring tumaas ang halaga ng utang ng Pilipinas.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng BSP ang galaw ng piso at ang magiging hakbang nito ay ibabatay sa takbo ng sitwasyon at sa magiging epekto nito sa kabuuang ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --