
Tutungo sa Singapore si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa limang araw na working visit mula Oktubre 7 hanggang 11, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Inimbitahan si Marcos ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong para palalimin ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore, lalo na sa ekonomiya at iba pang larangan ng kooperasyon.
Bahagi rin ng biyahe ni Marcos ang pagdalo sa 24th Forbes Global CEO Conference, kung saan makikipagkita siya sa mga business leader at ilalahad ang mga oportunidad para sa pamumuhunan sa Pilipinas.
Nakatakda rin niyang bisitahin ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute para alamin ang karanasan ng Singapore sa nuclear technology at safety.
Mahalaga rin ang working visit dahil nakatakdang matapos ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN at ipasa ito sa Singapore.




