Nasira ng Ukraine ang isa sa mga pangunahing tulay ng Russia na matatagpuan sa Seym river.
Ang insidente ay resulta ng ginagawang pinaigting na paglusob ng Ukraine sa Kursk region ng Russia.
Ayon sa mga opisyal ng Russia na bumagsak na ang tulay na matatagpuan sa bayan ng Glushkovo.
Dahil sa insidente ay maaapektuhan ang ginagawang pagsuplay ng Kremlin sa mga sundalo nila.
Nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kanilang pinalakas ang presensya ng mga sundalo nito sa Kursk.
-- ADVERTISEMENT --
Ang nasabing mga sinakop nila na lugar ay maaring ipagpalit sa mga sinakop na lugar din ng Russia sa Ukraine.
Mahigit 120,000 na katao naman ang lumikas dahil sa isinagawang surpresang cross-border ng Ukraine.