TUGUEGARAO CITY- Umakyat pa sa 1,960 ang kabuuang bilang ng namatay may kaugnayan sa COVID-19 ang naitala sa buong

Region 2.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 nitong August 26, 2021, nadagdagan ng

dalawamput-lima ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na naitala mula sa iba’t-ibang probinsya sa

rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon namang 579 na naitalang panibagong positibong kaso na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang na

71,078 na tinamaan ng virus mula nang mag-umpisa ang pandemya noong nakaraang taon.

Nakapagtala naman ang rehiyon kahapon ng 496 na bagong gumaling kaya’t tumaas sa 62,383 ang total

recovered cases ng rehiyon.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 6,708 ang bilang ng aktibong kaso sa rehiyon kung saan nangunguna ang

Lalawigan ng Cagayan sa may pinakamaraming active cases, sumunod ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at

Santiago City samantalang ang Lalawigan ng Batanes ay wala ng kaso ng COVID-19.

Samantala, 13 bayan sa RO2 ang nasa kategorya na critical matapos maitala ang mataas na growth change

rate sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ito ay kinabibilangan ng Alcala sa Cagayan; Roxas, Gamu, Cabatuan, Cordon, Sta Maria, Delfin Albano at

San Isidro sa Isabela; Diffun, Maddela at Aglipay naman sa Quirino; habang ang bayan ng Kasibu at Dupax

Del Sur sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa DOH, ang naturang mga bayan ay dating wala o kakaunti lamang ang naitatalang aktibong kaso

subalit sa loob lamang ng ilang araw ay biglang dumami.

Gayunman, nilinaw ng DOH na hindi ibig sabihin na ang mga nasabing bayan na nasa critical epidemic risk

classification ang siyang may pinakamataas na kaso sa kasalukuyan.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon

sa bilang na 1,424.