Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa bukas, Agosto 5.
Ayon sa anunsyo, tataas ng ₱1.90 kada litro ang presyo ng gasolina, ₱1.20 kada litro sa diesel, at ₱1.00 kada litro sa kerosene.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo, nananatili pa rin ang price freeze sa kerosene at LPG sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng malalakas na pag-ulan at bagyong tumama noong Hulyo.
Sa nakalipas na apat na linggo, umabot na sa ₱4.30 ang kabuuang dagdag sa presyo ng diesel dahil sa sunod-sunod na lingguhang pagtaas.
Mula sa simula ng taon, pumalo na sa ₱11.20 kada litro ang kabuuang itinaas ng gasolina, habang ₱14.24 naman sa diesel.
Ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga ipinataw na parusa ng Estados Unidos sa langis mula Russia at Iran, gayundin ang pagtigil ng Brazil sa pag-export ng langis sa US dahil sa mataas na taripa.
Gayunpaman, may pag-asa pa rin ang pagbaba ng presyo sa mga susunod na buwan.