Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng apat ang bilang ng mga bagong tinamaan ng COVID-19 sa Cagayan.
Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, umabot na sa 173 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit at 44 dito ang active cases.
Kabilang sa mga naidagdag sina CV 418, 32 anyos na lalaki, cargo driver, nakasalamuha si CV363 at residente ng Bagay, Tuguegagaro City; CV420 na isang 43 anyos na lalaking OFW sa Saudi mula Linao East dito pa rin sa lungsod.
Nagpositibo rin sa sakit sina CV 419, 51 anyos na lalaki, LSI galing ng Quezon City, taga Amulung at si CV421, 40 anyos na babae, OFW sa Saudi, mula sa Linao East at nakasabay sa bus pauwi ng lungsod si CV420.
Sa ngayon ay isinasagawa na ang contact tracing ng mga otoridad para matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.