Naglabas na ng abiso ang iba’t ibang kumpanya ng langis patungkol sa panibagong taas presyo sa produktong petrolyo.

Ayon sa nasabing anunsiyo tataas ng P0.70 kada litro ang gasolina habang P0.40 naman ang magiging taas sa presyo diesel.

Samantalang sa kerosene ay P0.20 naman ang inaasahang taas presyo sa kada litro nito.

Giit ng Department of Energy (DOE), ang nasabing paggalaw sa produktong petrolyo ay bunsod ng posibleng supply disruption sa international oil market.

Nakaapekto din ang naging pahayag ng G7, na nagsasabing hihigpitan ang oil price cap sa Russia para ma-pressure ito na makipag-usap ng kasunduang pang kapayapaan sa Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --

Bukas naman, alas-6 ng umaga inaasahang magiging epektibo ang naturang oil price hike.