Magpapatupad ng panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang fuel retailers sa bansa simula Martes, Enero 13.

Ito ang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene.

Ayon sa mga abiso ng ilang oil companies, itataas nila ang presyo ng gasolina ng P0.30 bawat litro, diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.30.

Mag-uumpisa ang pagtaas sa presyo ng lahat ng kumpanya sa ganap na 6:00 ng umaga.

Ayon sa Department of Energy (DOE), may posibilidad sanang bumaba ang presyo ngayong linggo dahil sa inaasahang mas mataas na produksyon ng Venezuelan crude at sapat na suplay sa pandaigdigang merkado.

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng rollback sa presyo ng gasolina ng P0.10 kada litro, habang tumaas naman ang diesel ng P0.20 at kerosene ng P0.10.