Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, araw ng Martes sa ikatlong sunod na Linggo.
Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis sa bansa, ang diesel ay may rollback na 20 centavos kada litro at 40 centavos naman ang rollback sa presyo ng kerosene.
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.
Ang naturang oil price rollback ay kasunod ng desisyon ni US President Donald Trump kaugnay sa pagpataw ng dagdag na taripa sa Canada, Mexico, at China, na sinasabing magpapabagal sa global economic growth.