Tuguegarao City- Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center ang pagkasawi ng isang lalaking nagpositibo sa COVID-19.
Siya ay 79 taong gulang na lalaki na mula sa Zone 2 ng Brgy. Centro Amulung, Cagayan.
Sinabi ni Dr. Baggao na una ng naadmit sa pagamutan ang pasyente dahil sa sakit nito sa respiratory system.
Kaugnay nito, ng unang isinailalim sa swab test ay nagnegatibo sya sa sakit hanggang sa nakarekober kaya’t pinauwi sa kanilang tahanan,
Ngunit, ayon kay Dr. Baggao ay muli itong isinugod sa pagamutan kahapon, Oktubre 26 kung saan ay nakaranas siya ng hirap sa paghinga hanggang sa binawian ng buhay.
Sa ngayon ay 16 confirmed cases naman ang nasa pangangalaga ng nasabing pagamutan kung saan Lima ang mula sa Cagayan partikular ang apat na galing sa iba’t ibang Brgy. sa Tuguegara at isa sa bayan ng Enrile.
Dagdag pa rito ay walo ang galing sa Ilagan City, tig-isa sa Roxas at San Mariano, Isabela habang ang isa pa ay mula sa Kalinga.
Binabantayan din ang kalagayan ng mga 29 na suspected cases kung saan 16 ang mula sa Cagayan, siyam sa Isabela, isa Quirino Province, isa sa Coner, Apayao at dalawa naman mula sa Kalinga.