Isinusulong ngayon ang halamang Pansit-pansitan o Ulasimang Bato bilang natural na lunas para sa gout, isang uri ng arthritis na dulot ng mataas na uric acid.
Ayon sa mga eksperto mula sa University of the Philippines Manila-Institute of Herbal Medicine, napatunayan sa clinical trials na ang halamang ito ay may kaparehong bisa ng allopurinol — isang kilalang gamot na nagpapababa ng uric acid.
Bukod dito, ligtas itong gamitin at walang naiulat na masamang epekto sa kidney at atay ng mga sumailalim sa pag-aaral.
Ang Pansit-pansitan ay karaniwang tumutubo sa gilid ng daan o sa mga bakuran at madalas na hindi pinapansin.
Ngunit ayon sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Healthcare (PITAHC), ito ay may kakayahang tunawin ang uric acid at makatutulong hindi lamang sa gout kundi pati na rin sa iba pang kondisyon na may kaugnayan sa uric acid.
Kasalukuyan na itong nirerehistro sa Food and Drug Administration (FDA) bilang isang anti-gout tablet.