Mahigit P300 milyon ang ibinaba ng panukalang pondo ng probinsiya ng Cagayan para sa taong 2020.

Ayon kay Raynald Ramirez, assistant Provincial Budget Officer na ito ay dahil sa ginamit na retained earnings o savings mula sa 2018 budget para sa supplemental budget ng 2019 na mahigit P613 milyon.

Gayonman, tumaas ng 10% ang estimated revenue receipts sa P2.85 bilyon ngayong taon mula sa P2.55 bilyon noong 2019.

Ayon kay Ramirez, ang magiging retained earnings sa 2019 budget ay maaaring gamitin sa supplemental budget ngayong taon o isasali sa 2021 budget.

Tinig ni Raynald Ramirez, assistant Provincial Budget Officer

Samantala, ang mga departamento na nagbibigay ng social services gaya ng Provincial Social Welfare and Development Office ay nagkaroon ng karagdagang pondo.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Provincial Planning and Development Officer (PPDO) head Elisa Umoso na ang pagtaas ng pondo sa social services ay dahil sa mga programa para sa dumaraming senior citizens sa lalawigan na mabibigyan ng P500 financial assistance kada buwan.

Habang nagkaroon ng pagtapyas sa pondo para sa personal services sa ilang mga hospitals habang mananatili ang budget para sa infrastructure projects.