Inaprubahan ng House of Representatives ang panukala na gawing abot kaya para sa mga mahihirap na pamilya ang funeral services sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi gagastos ng mahigit P20, 000 para sa kabaong.
Sa plenary session noong Martes, bumoto ang 198 na kongresista para ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 102, o ang proposed Affordable Casket Act, na nagtatakda ng presyo ng kabaong para sa mga pamilya na sertipikado ng social welfare offices na indigent o mahirap.
Kaakibat ng panukala ang mabigat na penalties, kabilang ang multa na hanggang P400,000 at posibleng pagpapawalang-bisa sa lisensiya ng funeral service providers na hindi makakatugon sa mga nakapaloob sa nasabing batas.
Upang maka-avail sa nasabing prbelihiyo, kailangan na magsumite ang namatayang pamilya sa funeral establishment ng certificate of indigency at case study na may beripikasyon ng medical social service ng ospital, ang local social welfare office, o ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).