Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na magbibigay daan para taasan ang annual teaching allowance ng mga pampublikong guro sa P10, 000 simula sa susunod na taon.

Sa ilalim ng Republic Act 11997, o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, ang teaching allowance ay mula P5, 000 sa P10, 000 simula saschool year 2025-2026.

Hindi rin mapapatawan ng income tax ang nasabing allowance.

Sa ilalim ng bagong batas, sasaklawin ng teaching allowance ang pagbili ng mga kailangang teaching supplies at materials, pagbabayad ng incidental expenses at gagamitin sa pagsasagawa ng mga learning delivery modalities.

Inaasatan naman ang Department of Education na makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management para sa implementing rules and regulations na gagawin sa loob ng 60 araw simula nang aprubahan ang nasabing batas.

-- ADVERTISEMENT --