TUGUEGARAO CITY- Napakaganda umano ang panukalang isama sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya ang pagbabasa ng bibliya at maisama din sa pagsusulit at sa diskusyon.
Sinabi ni Pastor Bernardo Bondoc ng Lord of the Nations Church na naniniwala siyang ang mga salita ng Panginoon ang magpapabago sa lahat na magbubunsod naman ng pag-angat ng moralidad ng bawat isa at maging ng ating bansa.
Ayon sa kanya, sinabi niya na hindi naman magkakaroon ng kalituhan ang pagtuturo sa mga salita Diyos dahil sa iba’t ibang relihiyon at sekta sa ating bansa dahil ang mahalaga dito ay isabuhay lamang ang mga ito.
Sinabi niya na makapangyarihan ang mga salita ng Diyos.
Ang mga pahayag ni Bondoc ay bilang reaksion sa panukalang batas na inihain ni House Minority Leader Bienvenido Abante, isang pastor, na House Bill 2069 o Mandatory Bible Reading Act of 2019 na ang humihiling na maging bahagi ito ng curriculum sa mga public schools.