TUGUEGARAO CITY- Umaasa si Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center na magiging ganap na batas ngayong taon ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang bed capacity sa pagamutan mula 500 sa 1,000.

Sinabi ni Baggao na ito ay matapos na makapasa na sa kamara ang nasabing panukala na inihain ni Congressman Jojo Lara ng 3rd district ng Cagayan.

Ayon kay Baggao, iaakyat na ang nasabing panukalang batas sa senado.

Sinabi ni Baggao na umaasa siyang agad din itong tutugunan ng senado matapos na mangako di Senator Bong Go na siyang magiging sponsor sa panukala na agad niya itong aaksionan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na nagagalak siya dahil sa kung magiging ganap na batas na ang panukala ay magkakaroon din sila ng karagdagang pondo para maipatupad ang nasabing hakbang.

Sa kabila nito, sinabi ni Baggao na upang matiyak pa rin ang maayos na serbisyo sa kanilang mga kliente ay kumuha sila ng mahigit sa 500 na contractuals.

ang tinig ni Dr. Baggao

Sinabi pa ni Baggao na kailangan na ang karagdagang beds at mga tauhan sa CVMC dahil sa dumodoble na rin ang kanilang mga pasyente.

Ayon kay Baggao, asahan na kapag nadagdagan na ang bed capacity sa CVMC ay wala nang makikitang gagamit ng mga cat beds sa mga isles ng ospital.