Pabor ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa panukala ni Sen. Panfilo Lacson na magpapataw ng parusa sa mga mag-aabandona sa matatandang magulang at maysakit.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ikinatuwa ni Atty Egon Cayosa, IBP President ang pagsusulong sa Senate Bill 29 o ang proposed “Parents Welfare Act of 2019.
Ayon kay Cayosa, tama lang at napapanahon ang panukalang batas na magiging balanse sa kasalukuyang batas na nagpaparusa sa mga magulang na hindi sinusuportahan ang anak.
Sa oras na maging ganap na batas, ang mga anak na mag-aabandona sa magulang ay parurusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P300,000.