Muling inihain ni Senator Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang batas na nag-oobliga sa private sector employers na magbigay ng 14th-month pay sa kanilang mga manggagawa upang matulungan sila sa gastusin sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at mga serbisyo at para makatulong sa gastusin ng kanilang mga anak na nag-aaral.

Iminungkahi din ng Senador na ibigay ang 13th-month pay sa buwan ng Hunyo.

Ang 14th-month pay ay magiging karagdagan sa umiiral na 13th-month pay na ibinibigay sa mga manggagawa sa ilalim ng Presidential Decree No. 851, na ipinatupad noong 1976.

Sinabi ni Sotto, sa loob ng halos limang dekada, malaki ang ipinagbago ng pangangailangan at cost of living ng mga manggagawa, kaya panahon na para mabigyan ang mga ito ng 14th-month pay.

Sa ilalim ng inihain muli ni Sotto na Senate Bill No. 193, ang minimum na halaga ng 14th-month pay ay hindi bababa sa twelfth (1/12) ng kabuuang basic salary ng isang empleyado sa loob ng calendar year.

-- ADVERTISEMENT --

Iminungkahi din niya na ibigay ang 13th-month pay sa June 14 para matulungan ang mga manggagawa sa educational expenses ng kanilang mga anak, habang ang 14th-month pay ay ibibigay bago ang Deccember 24 para makadagdag sa gastusin sa holiday season.

Saklaw ng kanyang panukalang batas ang lahat ng nongovernment rank-and-file employees, mga manggagawa sa ilalim ng kasambahay law.